Lyrics

Malalim na ang gabi Pwede ba na h'wag muna tayong magmadali Dito ka lang sa tabi Gusto ko lang matitigan ang iyong ngiti Wag kang mag-alala oh mahal sakin ay pwede kang sumandal Asahan mo sa pag mulat ay nandito parin (nandito parin) Kung sakaling hindi dinggin ng langit ang hiling ko Ay susulitin ang bawat minuto Tulog na ipikit ang mata hahayaan na muna ang mundo Tulog na at ipag pahinga sa pagmulat nandito parin ako sa tabi (Tulog na, tulog na) Sa tabi mo (Tulog na, tulog na) Ang hirap nang magkunwari Ang hirap nang idaan lahat sa ngiti Ayoko pang maniwala Madayang tadhana babawiin ka sakin wag muna Di ako bibitaw sa kamay Ang lahat ay handang ibigay San man tayong dalhin damdamin Mananatiling sayo parin Kung sakaling hindi dingin ng langit ang panalangin ko Ay dadayain ang bawat segundo Tulog na at ipag pahinga pwede ba na ihinto muna ang mundo Di ko pa yata kayang mag-isa pano na kung mawala kana sa tabi ko Pano na ang gabing hinahanap ko Ang tingin, ang ngiti, ang pagtitig mo Wala kana sa tabi At ang sarili pipilitin makabangon muli Ating mga sandali bitbit ko lagi hangang Magkita tayong muli Tulog na sa pag pikit ng mata Sana ay muling masilayan ka Kahit na sakin inilayo ka Hawak-hawak ko parin Ating ala-ala (Tulog na, tulog na) Sa pag dilat ko sana (Tulog na, tulog na) Ay nandiyan ka
Lyrics powered by www.musixmatch.com
Get up to 2 months free of Apple Music
instagramSharePathic_arrow_out