Lyrics

Alas-diyes na naman ng gabi, kung saan-saan napapagawi ang aking utak... "Ako ba'y iyong hinahanap?" Hindi sa nagmamadali, pero asan ka na ba? Kaya ko naman ng mag-isa, pero gusto ko sanang katabi ka na. Pagod na mainggit sa relasyon ng iba, kailan ba— darating sa puntong mga luha sa unan ay 'di na makapa? Ohh, gusto ko lang mag-mahal, tipong lahat isusugal at magtatagal Oh, kailan ba? Kailan ba??? Ohh, gusto ko lang mag-mahal, hanggang kailan ba sasapitin ang gabi-gabing walang lambing? Alas-diyes na naman ng gabi nangangarap na namang ika'y katabi. Hinahawi ang aking buhok, kailan ba ito magkakatotoo? Hindi sa nag-mamadali, pero kaya ko pa ba? Na 'di masilayan ang 'yong ngiti, at 'di mapisil ang 'yong pisngi... Pagod na mainggit sa relasyon ng iba, kailan ba— darating sa puntong wala nang gabing luluha pa??? Ohh, gusto ko lang mag-mahal, tipong lahat isusugal at magtatagal Oh, kailan ba? Kailan ba??? Ohh, gusto ko lang mag-mahal, hanggang kailan ba sasapitin ang gabi-gabing walang lambing? 'Di maalis sa isip ang mga hiling... ang iyong lambing, halik, ako'y nananabik. Giniginaw, gustong kayakap ay ikaw— gabi-gabi na lang ba??? Hindi naman sa 'di ko kayang mag-isa, pero inaamin kong minsa'y nangungulila. Ganito na lang ba hanggang mag-umaga??? Ohh, gusto ko lang mag-mahal, tipong lahat isusugal at magtatagal Oh, kailan ba? Kailan ba??? Ohh, gusto ko lang mag-mahal, hanggang kailan ba sasapitin ang gabi-gabing walang lambing? 'Pag dumating ka na, oh tangi, asahan mong ika'y— 'di na pakakawalan, oh mahal, ikaw lang (ikaw lang) 'Pag dumating ka na, oh tangi, asahan mong ika'y— 'di na pakakawalan, oh mahal, ikaw lang (ikaw lang)
Writer(s): Angela Ken Rojas Lyrics powered by www.musixmatch.com
Get up to 2 months free of Apple Music
instagramSharePathic_arrow_out