Credits
PERFORMING ARTISTS
esa
Performer
COMPOSITION & LYRICS
Ashley Saludes
Composer
Lyrics
Baka sa ibang mundo, may plano ako
Wagi lagi't di kailanman nabibigo
At dun may tayong di nagkalayo
Hawak ang kamay sa lahat ng pagsubok
Alam kong nagkulang ako
Pero di rin masamang aminin mong
Ikaw ang may gusto
At sa ibang mundo
May plano akong
Kayang paghilumin
Ang galos sa pusong lito
Di madaling bitawan
Ang lahat-lahat ng ating nabuo
At kung paglaban ang usapan
Alam mong bugbog sarado na ako
Pasensya kung hindi sapat sayo
Pero baka sa ibang mundo
May plano ako
Kung san nailatag lahat
At sa mundong ito
May tayong
Di na nagtagpo
Walang nang pagluhang
Kailangang itahan
Alam kong mali rin ako
Pero di mo magawang akuin
Na ikaw ang sumuko
Hanggang sa dulo
Umasa sayo
San tayo magsisimula sa pag-ayos nito
Di magawang bitawan
Ang lahat-lahat ng ating nabuo
Kung pwedeng pag-usapan
E di sana matagal nang kumibo
Kasalanan bang napagod ako
O mahal, wag mamasamain
Inibig kang tunay, kahati ng buhay
Di naman talaga nailihim
Dama ng kamay ang 'yong pagkalumbay
O mahal, di sinasalamin
Ng huling sandali
Ang hiwaga ng unang tingin
Di na patatagalin
Ang pagtapos nito
Di man madaling bitawan
Ang lahat-lahat ng ating binuo
Pero kung pwede sa paglisan
Ay hindi na kailanman lilingon
Salamat na lang sa iyo
Writer(s): Ashley Saludes
Lyrics powered by www.musixmatch.com