Lyrics

Hindi alam kung bakit ako'y nahuhulog, hulog sa 'yo Hindi alam kung bakit ako'y nahuhulog, hulog sa 'yo Naaalala ko pa dati no'ng una kang makita 'Di ba, wala ka ngang kaguwapuhan na maipakita? Inaasar ka na kulang ka sa bitamina At mukha mo daw, nasabugan pa ng dinamita Pero kahit na pangit ka, bakit ba Gustong-gusto ko pa rin na mapasa'kin ka? Kahit mukha kang galit sa akin, happy ka Kahit parang 'di ka natatablan ng mahika Hindi alam kung bakit ako'y nahuhulog, hulog sa 'yo Hindi alam kung ano ba ang nagdudulot, dulot nito Hindi ka naman guwapo; macho, 'di masyado Ngunit sabi ng puso'y "Oo, oo" Sabi ng barkada, huwag na lang daw sana Ngunit sabi ng puso'y "Oo, oo" Baka walang mag-iba kung sinapak ka Sa iyong mukha 'pagkat parang tinapakan ka Baka sa galit ng Diyos, may kinalaman ka O nagmadali lamang S'ya no'ng ginawa ka N'ya Pero kahit na pangit ka, akin ka Ikaw ang baterya sa puso ko na makina Kahit mukha kang paa, nakaka-loose ka At least, ikaw 'yung tipong paa na nagpa-foot spa Hindi alam kung bakit ako'y nahuhulog, hulog sa 'yo Hindi alam kung ano ba ang nagdudulot, dulot nito Hindi ka naman guwapo; macho, 'di masyado Ngunit sabi ng puso'y "Oo, oo" Sabi ng barkada, huwag na lang daw sana Ngunit sabi ng puso'y "Oo, oo" Kahit ano pa'ng sabihin nila Malabo daw ang aking mata Alam ng puso ang iibigin At ikaw ang para sa akin Sayang daw ang postura Kung ganyan ang itsura (itsura) Alam ng puso ang iibigin At ikaw (ikaw) ang para sa akin Hindi alam kung bakit ako'y nahuhulog, hulog sa 'yo (nabulag sa mukhang paa) Hindi alam kung ano ba ang nagdudulot, dulot nito (pero mahal kita) Hindi ka naman guwapo; macho, 'di masyado Ngunit sabi ng puso'y (ang pangit mo) "Oo, oo" (ang chaka mo) Sabi ng barkada (paki nila), huwag na lang daw sana (mahal kita) Ngunit sabi ng puso'y "Oo, oo" Hindi alam kung bakit ako'y nahuhulog, hulog sa 'yo (Hoy, pangit, love you) Hindi alam kung ano ba ang nagdudulot, dulot nito Hindi alam kung bakit ako'y nahuhulog, hulog sa 'yo
Writer(s): Jumbo De Belen Lyrics powered by www.musixmatch.com
instagramSharePathic_arrow_out