Lyrics

Habang malalim ang gabi Ating sulitin na ang bawat sandali Dahan-dahan mong ibaling ang iyong tingin Patungo sa akin 'Di mo ba gustong ako'y nagsusumamo? Para kang bugtong, palagi kang malabo 'Di mapakali, damdamin ay kabado Ikaw na ang sanhi, ikaw pa rin ang puno't dulo Ba't 'di ba pwedeng pagbigyan Ang nararamdaman? Manatili munang magkatabi Hanggang umaga lang Makasama habang malalim ang gabi (hahawakan, magdamagan) Ating sulitin na ang bawat sandali (sasamahan ka, mahal) Dahan-dahan mong ibaling ang iyong tingin (hahawakan, magdamagan) Patungo sa akin (sasamahan ka) Uh, napahiling at napasabi na lang Na baka sakaling mapasa'kin ka nga Pumikit, humingang malalim, humikbi Pasimple sa hangin, halika, halika Iniisip kung aanhin ko pa ang, ang nadala kong pagmamahal Kung 'di naman ikaw ang tatanggap Tingnan mo mata ko, babakat na 'di lamang ako nagpapanggap Nag-aalala ka kung tatagal, eh, araw-araw nga kitang mahal Magandang simula ang ilang salita Pasalamat pa nga't nakausap kita Sang-ayon man o hindi ating paligid, sasalubungin ko ang iyong tinig Sasaludo sa 'yo aking pag-ibig, aking pag-ibig Papel ko sa 'yo ay sulatan mo lamang, sana mapunan mo na ang blangko Ako ang pader kung gusto ng sandalan sa mga laban na hinaharap mo Sabay tayo na matututo, alamin lang natin ang panuto Paghirapan kahit na magkulang ang tulog, handa 'kong manatili kaya Pwede bang pagbigyan Ang nararamdaman? (Nararamdaman) hmm Sa 'kin ay tumabi Hanggang umaga lang (hanggang umaga lang) Mahagkan ka habang malalim ang gabi (hahawakan, magdamagan) Ating sulitin na ang bawat sandali (sasamahan ka, mahal) Dahan-dahan mong ibaling ang iyong tingin (hahawakan, magdamagan) Tungo sa akin (sasamahan ka) Makasama hanggang umaga (hahawakan) 'Di mo kailangang mag-atubili (magdamagan) Dito ka sa aking tabi (sasamahan ka, mahal) Mahagkan ka hanggang umaga (hahawakan) 'Di mo kailangang mag-atubili (magdamagan) Dito ka sa aking tabi (sasamahan ka)
Lyrics powered by www.musixmatch.com
Get up to 2 months free of Apple Music
instagramSharePathic_arrow_out