Lyrics

Nag-inuman tayo Masaya ka, masaya din ako Ng barkada ko at ng barkada mo Lagi na lang tayong tinutukso Ilang bote lang ang lumipas Ang hirap mo nang makausap Mapungay na ang 'yong mga mata Ang paligid ay maingay na Tatlong beses mong ikinuwento No'ng madapa ka d'yan sa may kanto Limang ulit kang nalito Kung ano ang pangalan ko Pero biglang nawala ang amats ko No'ng madulas ang dila mo Hindi makapaniwala'ng tenga ko No'ng biglang sabihin mo Masarap ka palang kausap Buong maghapon o magdamag Alam mo ba ang sikreto ko? Matagal na kitang gusto Pagkatapos ng isang linggo Binantayan ko, mga kilos mo Tinanong ko ang mga kabarkada mo Wala akong nakuha kahit ano Tatlong beses kong pinag-isipan Baka nagpapakipot ka lang Limang ulit kong sinabi sa sarili Ganyan talaga ang babae Kaya't biglang nawala ang duda ko Nadulas lang ang dila mo Hindi makapaniwala'ng tenga ko Noong sinabi mo Masarap ka palang kausap Buong maghapon o magdamag Alam mo ba ang sikreto ko? Matagal na kitang gusto 'Di ko na mapigilan Kailangan kong malaman Tinulungan kitang aminin Ang matagal mo nang inililihim Tatlong beses mo akong minura Sa harap ng 'yong barkada Limang ulit na nabasag ang puso ko No'ng sabihin mong "Ang kapal mo" Kaya biglang nawala ang amats ko Nakagat ko ang dila ko Hindi makapaniwala'ng tenga ko Sa mga sinabi mo Ang labo mo palang kausap Kapag may beer ka lang matapat Kahit maubos ang pera ko Mag-inuman na lamang tayo Sana 'pag ubos na ang pulutan At tapos na ang mga kuwentuhan 'Pag simot na ang laman ng bote ko Sana'y mahal mo ulit ako
Lyrics powered by www.musixmatch.com
Get up to 2 months free of Apple Music
instagramSharePathic_arrow_out