Featured In

Credits

PERFORMING ARTISTS
Sugarfree
Sugarfree
Performer
COMPOSITION & LYRICS
Ebe Dancel
Ebe Dancel
Composer

Lyrics

Nandito na siya Nandito na siya Maniwala ka na lang sa kanya 'Pag s'ya na ang nagsasalita 'Wag ka na lang mag-alala Dahil mali ka at lagi siyang tama Lahat na yata ng iyong sabihin Kayang-kaya niyang kontrahin Wala na yata siyang 'di kayang gawin Wala na yata siyang kasing-galing Heto na siya Ang henyo ng henerasyon Kaya mga kaibigan, magpalakpakan Lumuhod sa kanyang harapan Halikan ang kalsadang kanyang dinadaanan Heto na siya Ang pinakamagaling na tao sa balat ng lupa Ang laki siguro ng utak niya Wala nang librong hindi pa nababasa Siguro 'di siya tao Alam na niya ang bawat sulok ng mundo Kahindik-hindik ang nalalaman Sa mga bagay na kailanman Ay hindi pa niya nararanasan Hindi masukat ang kanyang kagalingan Heto na siya O, ang henyo ng henerasyon Kaya mga kaibigan, magpalakpakan Lumuhod sa kanyang harapan Halikan ang kalsadang kanyang dinadaanan Heto na siya Ang pinakamagaling na tao sa balat ng lupa Kamukha na niya si Ernie Baron May biyak din sa gitna ang barong May kasagutan sa bawat katanungan Kahit wala namang nagtatanong 'Di bale nang wala siyang kaibigan Dahil hamak lamang tayong taga-lupa Gawan na natin siya ng rebulto Ilagay sa tuktok ng bundok Heto na siya Heto na siya Kaya mga kaibigan, magpalakpakan Lumuhod sa kanyang harapan Halikan ang kalsadang kanyang dinadaanan Heto na siya Mga kaibigan, magpalakpakan Lumuhod sa kanyang harapan Halikan ang kalsadang kanyang dinadaanan Heto na siya Ang pinakamagaling (pinakamagaling) Ang pinakamagaling (pinakamagaling) Ang pinakamagaling na tao sa balat ng lupa
Writer(s): Vincent Ferdinand Dancel Lyrics powered by www.musixmatch.com
Get up to 2 months free of Apple Music
instagramSharePathic_arrow_out