Lyrics

Pwede ka ba na makasama Para hindi madarama pagiging mag isa Humihigpit hawak sa kama Ipapalipas ang gabing walang nag iiba Paulit ulit lang ang mga pangyayari Kahit pa saan tignan hindi ko na mawari Pakiramdam natin sa isat isa Tahimik ng aking paligid, ngunit maingay sa aking pag isip Malalim pagsisid ko kaya hindi ko mapigil Sa tuwing ipilit matulog at ipikit ang matang nakatitig Hindi makasingit sa mundong punong puno ng tao na ma-gimmick Habol sa malimit na orasan satin ay naparating Tanging hangarin ay aking ihain sayo lahat ng kaya ko na gawin Ba't ganun padin? Ang kapalaran na walang napalang magawang alamin Na ano man ang aking pakay sariling kaaway ko'y kaharap sa salamin Damdaming nasakop sa iyong mga pasabog Distansyang sa langit inabot ang ngiting di ko matago At walang dama na takot pag sa yakap mo'y mabalot Pakiramdam mahinahon nangingilabot. Nagsilbing unan na parang sandalan sa tuwing ako ay napapagod Pwede ka ba na makasama Para hindi madarama pagiging mag isa Humihigpit hawak sa kama Ipapalipas ang gabing walang nag iiba Paulit ulit lang ang mga pangyayari Kahit pa saan tignan hindi ko na mawari Pakiramdam natin sa isat isa Huwag ka magalit wala naman sayo problema nasa akin Hindii ko ito maintindihan kaya mahirap maipahiwatig Ang mga laging nasa damdamin mala balakid Naituturing bilang harang sakin sa tuwing nais kang kausapin Di na mababalikan, kahit ilang panalangin mo pa sa taas Mga alaalang mula sa nakaraan mga napadaan at nagwakas Hung pwede lang mapalitan, ibang nagawang kasalanan ko na madalas. Hindi na mapapaatras ang sarili, walang pagsisisi, isisigaw ng malakas na Ang puso na nawawala Naliligaw sa sariling mundo kong nagawa Kung nais mo naman na ikaw ay mapasaya Pasensya na wala sakin hanap mong halaga Pwede ka ba na makasama Para hindi madarama pagiging mag isa Humihigpit hawak sa kama Ipapalipas ang gabing walang nag iiba Pwede ka ba na makasama Para hindi madarama pagiging mag isa Humihigpit hawak sa kama Ipapalipas ang gabing walang nag iiba Paulit ulit lang ang mga pangyayari Kahit pa saan tignan hindi ko na mawari Pakiramdam natin sa isat isa
Writer(s): Jan Damien Balolong Lyrics powered by www.musixmatch.com
Get up to 2 months free of Apple Music
instagramSharePathic_arrow_out