Top Songs By Nonoy Zuñiga
Credits
PERFORMING ARTISTS
Nonoy Zuñiga
Performer
COMPOSITION & LYRICS
Willy Cruz
Songwriter
Lyrics
Mahawi man ang ulap, 'di mo matitiyak
Kung may malalabing bughaw ka pang matatanaw
At sa umaga't hapon ba'y may araw na sisikat?
Sa gabi naman kaya'y may talang kikislap?
Habang sinasariwa, dati mong mga pangarap
Sundan ang bahaghari sa kanyang hangganan
Baka doo'y sakaling ulap mo'y magpaalam
At 'pag napawi na'ng sanhi ng kapanglawan
Muling buksan ang pusong bihag ng karimlan
Kayanin mong limutin, luha ng nagdaan
Ba't mo pa iisipin ang dating sumpaan?
'Sanlibo't 'sang kasawian, pasan mo habang-buhay
Kung 'di mo ngingitian, dinanas na lumbay
Ulan ay mahahawi, kahit na paminsan-minsan
Sundan ang bahaghari sa kanyang hangganan
Baka doo'y sakaling ulap mo'y magpaalam
At 'pag napawi na'ng sanhi ng kapanglawan
Muling buksan ang puso, muling sundan ang araw
Hawiin mo ang ulap ngayon
Writer(s): Mark Nievas
Lyrics powered by www.musixmatch.com