Top Songs By Moira Dela Torre
Similar Songs
Credits
PERFORMING ARTISTS
Moira Dela Torre
Performer
Chris Rosales
Keyboards
COMPOSITION & LYRICS
Moira Dela Torre
Composer
PRODUCTION & ENGINEERING
Migz Haleco
Producer
Casey Lagos
Producer
Timothy Recla
Engineer
Lyrics
Nagdilang-anghel na naman
Sana'y hindi na 'ko masasaktan
Eh, ano pa ba? Maling akala
Lahat ng mahal ko, 'di pinakinggan
'Pinagtanggol ka hanggang sa katangahan
Pinagsisisihan na ika'y 'pinaglaban
Gusto ko lang sabihin na
Ang kapal ng mukha mo
Wala na ngang tayo
Ba't parang 'di pwedeng lumaya?
Wala naman akong kasalanan
'Wag kang parang gago
Kung magkaro'n man akong bago
'Di ko kailangang magpaalam
Sa ilang taong nangloko, nagpaalam ka ba?
Araw-araw akong nagsuka
'Di maintindihan, ba't 'di ko nadama
Na ako'y maganda sa iyong mga mata?
'Di ba, dapat hanggang pagtanda
Ika'y mahalin, payat man o mataba?
Bakit no'ng nagkita, sabi mo, "Crush na ulit kita"?
Loko, gusto ko lang (gusto ko lang) sabihin na
Ang kapal ng mukha mo
Wala na ngang tayo
Ba't parang 'di pwedeng lumaya?
Wala naman akong kasalanan
'Wag kang parang gago
Kung magkaro'n man akong bago
'Di ko kailangang magpaalam
Sa ilang taong nangloko, nagpaalam ka ba?
Nalilito lang sa 'yo
Alam mo naman ginawa mo
Ba't sa 'kin pa rin ang sisi?
Tagal ko ring 'tinago 'to sa sarili
Alam ko namang minahal mo ako
Hindi mo lang ginalingan
Sana tanggapin at 'wag nang guluhin
'Di na 'papaloko ulit
Gusto ko lang sabihin na
Ang kapal ng mukha mo
Wala na ngang tayo
Ba't parang 'kaw pa 'yung malaya?
Wala naman akong kasalanan
'Wag kang parang gago
Kung magkaro'n ka man ng bago
Bakit ka nagpapaalam?
Sa ilang taong nangloko, nagpaalam ka ba?
Sa ilang taong nangloko, nagpaalam ka ba?
Writer(s): Moira Dela Torre
Lyrics powered by www.musixmatch.com