Credits
PERFORMING ARTISTS
Tj Monterde
Performer
COMPOSITION & LYRICS
Tj Monterde
Lyrics
Lyrics
Lagi na lang ganito
Isipan ay gulong-gulo
Lagi na lang nabibigo
Ngunit ikaw pa rin sigaw ng puso
Ilang liham na ang sinulat sa 'yo
Ilang luha na rin ang natuyo
Kailan kaya muling makakatawang
Hindi ko pinipilit, walang lungkot na sumisilip?
Kailan kaya muling makakamit
Ang iyong yakap at halik nang hindi sa panaginip?
Kailan? Kailan? Kailan ang dating tayo?
Kung ano man ang totoo
Isip man ay litong-lito
Handang-handa akong sumalo
'Pagkat ikaw pa rin sigaw ng puso
Ilang awit na ang inalay sa 'yo
Ilang luha na rin ang natuyo
Kailan kaya muling makakatawang
Hindi ko pinipilit, walang lungkot na sumisilip?
Kailan kaya muling makakamit?
Ang iyong yakap at halik nang hindi sa panaginip?
Kailan? Kailan? Kailan? Kailan?
Kailan ang dating...
Kailan kaya muling matatamasa
Ikaw ay makasama't sabay tayong kakanta?
Kailan kaya muling mararanasan
Sa pagdilat ng mata, ika'y hindi lang alaala?
Writer(s): Titus John D. Monterde
Lyrics powered by www.musixmatch.com