Lyrics

Pangarap ko na matamis ay para sa iyo Ang magkaanak tayo na puro bobo Ang makasama ka sa 'yong magkapamilya Sa ilalim ng tulay, doon kita ititira Pangarap kong mabigyan kita ng kariton Ikaw at ang anak natin, magtutulak maghapon Dahil ako'y walang silbi, ika'y magsisilbi Ikaw at ang anak natin, mamamasura lagi Mas masuwerte tayo sa iba at mas mapalad Dahil mamumuhay tayo na kapos-palad Palagi tayong magdidildil ng asin At 'pag walang makain, itutulog na lang natin Oh my fiancée, listen to what I say Magiging buhay natin, kahirapan every day Walang-wala kang mapapala, 'yan ay asahan mo Dahil 'di ako magkakaroon ng trabaho Girl, pwede ka bang maging asawa? Girl, habang-buhay tayong magsasama Pero hindi ka pwedeng magreklamo At lahat ng ito'y dapat titiisin mo At ang mahalaga ay "no return, no exchange" tayo Oh ano? Oh say mo? Oh Bawat segundo ng buhay mo, bigla mag-iiba Buhay sa kalsada, iyong matatamasa Ititira kita sa bahay ko na madilim Dalawang beses sa isang linggo, hapunan lang tayo kakain Hindi na natin matutupad mga pangarap Ikaw at ako, magsasama sa paghihirap Sa simbahan, mamamalimos ka maghapon Habang ako'y manghoholdap at mang-i-snatch ng cellphone At lalaking mga baluga ang ating anak Pati sa eskuwelahan, hindi sila makakaapak Ganyan kita kamahal, ako'y magbabakal Kakainin na lang natin, akin pang isusugal Inaalay ko sa 'yo, buhay ko sa basurahan Pinapangako ko sa 'yo, tayo'y walang kinabukasan Walang iwanan hanggang sa tayo'y tumanda Inibig mo 'ko, girl, kaya wala kang napala Binuntis kita agad kaya 'di na nakapalag Sa ayaw mo't sa gusto, kasama mo 'ko magdamag Sa wakas may katabi na ring matulog sa estero Magsisiksikan tayo sa aking bahay-kubo 'Di ka pababayaan, iingatan Nakaguwantes kang magkakalkal basurahan Pero 'wag mag-alala, kasama mo ating anak Habang ako ay tulala, ikaw nama'y puro iyak Promise ko, iti-treat ko ang buong family Mag-aabang, kakain ng tira-tira sa Jollibee Para germ-free, para iwas sa sakit Kapag panis na, iinitin lang ulit Mamumuhay tayo nang marangal Hindi tayo kakain ng almusal Gutom natin, titiisin lang, lilipas din naman Mamumuhay tayong walang luho sa katawan Girl, pwede ka bang maging asawa? Girl, habang-buhay tayong magsasama Pero hindi ka pwedeng magreklamo At lahat ng ito'y dapat titiisin mo At ang mahalaga ay "no return, no exchange" tayo Oh ano? Oh say mo? Oh Hey yo! Pa'no na kung 'di ako naging sikat na movie star? At natiyambahan mo akong maging asawa Araw-araw, Tanduay, araw-araw, tambay Imbes na Rockwell, do'n tayo sa tulay At sa palengke, nag-aabang ng bigay Ng mga buntot ng baboy at bulok na gulay Pupunta ng Channel 7, tiyak na du'n kasama ka Sa mga artista, manghihingi ng barya Pambili ng ukay-ukay na may mantsa na steak Expired na de-lata, botoks na puto cake At ang mga anak, sa ampunan padadala Kasi 'di kayang palamunin, paaralin sila At tayo'y nasa Malate, alas-siyete ng gabi Ibubugaw kita at isasakay sa taxi Pero thank God, biniyayaan ako Kaya 'di mo mararanasan mga bagay na 'to Girl, pwede ka bang maging asawa? Girl, habang-buhay tayong magsasama Pero hindi ka pwedeng magreklamo At lahat ng ito'y dapat titiisin mo At ang mahalaga ay "no return, no exchange" tayo Oh ano? Oh say mo? Oh Girl, pwede ka bang maging asawa? Girl, habang-buhay tayong magsasama
Lyrics powered by www.musixmatch.com
Get up to 2 months free of Apple Music
instagramSharePathic_arrow_out