Lyrics

Hay, naku, ayan, kasi, ano? Ang hihilig sa magagandang lalaki Ang hihilig sa magagandang babae Oh, ano napala n'yo? Oh, eh 'di, wala din, 'di ba? Kaya kung ako sa inyo, makinig kayo sa sinabi ko noon "Humanap ka ng pangit at ibigin mong tunay" 'Yan ang dapat mong ginawa, kaya makinig ka sa 'kin And it goes a little something like this 16 na taon, oh, kay bilis, iha No'ng una mong marinig ang aking kanta Kay sarap balikan, ginintuang nakaraan Sa "Humanap Ka ng Pangit" ay nagkantahan Minemorize, sinaulo ng milyon-milyong katao Na ang importante sa lahat ay pagkatao At hindi ang itsura na nakakalinlang Manloloko, mandaraya, kaya huwag na rin lang Binuwag ko na'ng pagitan ng maganda at pangit Na mula noon, nililibak at nilalait Kinukutya, inaapi, nilalayuan Minamaliit, tinatawanan, at tinatapak-tapakan Pero, not anymore, 'di mo na mararanasan Ang pandirian ka na para bang 'sang basahan Dahil tao ka na may dangal at halaga Ganda ng ugaling 'di makita sa iba Ikaw ang pinakamagandang (ano?) Babae sa balat ng lupa (say what, say what) Ikaw ang pinakamagandang (ano?) Babae sa buhay ko (oh, yeah, come on) Kaya dahil sa "Humanap Ka ng Pangit", natupad Pamilyang pinapangarap at hinahangad Kuntento sa asawa, ngayon ay masaya Kahit 'di sila mayaman, buhay ay maganda And guess what? Loving-loving, gabi at araw Maligayang samahan ay talagang abot-tanaw Hindi panandalian, bagkus magtatagal Humble, may puso't nakinig sa 'king pangaral Dahil sa kanyang pamilya, ang buhay, masarap Kuntento s'ya sa partner at hindi naghahanap ng iba You know why? Kasi walang kuwenta What for? Para saan pa? Eh, okay na Mapagmahal sa pamilya (kami ay mabait) Kuntento sa asawa (at wala kaming kabit) Oh, nice, 'di ba pinapangarap n'yo 'yun Ang magsama ang pamilya ng mahabang panahon? Ikaw ang pinakamagandang (ano?) Babae sa balat ng lupa (say what, say what) Ikaw ang pinakamagandang (ano?) Babae sa buhay ko (oh, yeah, come on, one more time now) Ikaw ang pinakamagandang (ano?) Babae sa balat ng lupa (say what, say what) Ikaw ang pinakamagandang (ano?) Babae sa buhay ko Pero sa mga lalake at babaeng 'di sa 'kin sumunod Imbes na nagrerelax ngayon, sila'y nakaluhod Mga lalake at babae na pinagtawanan ako At niloko-loko nila ang awitin kong ito Sila ngayon ang gabi-gabing binabangungot Na sa asawa nila ay may umaasungot Na ang lalake, may ginagawang hiwaga sa dilim At sa asawang babae, may ibang tumitikim 'Di sila naniwala sa kanta ni Andrew E Kaya ngayon, broken hearted at broken family Bugbugan, sakitan, tapos no'n, hiwalay Depressed lahat at gusto na nilang 'pakamatay Kaya para lumigaya ang iyong buhay (Humanap ka ng pangit at ibigin mong tunay) Kung hindi (sige ka, puso mo'y mabibiyak) At ang 'di sumunod noon, ngayon, umiiyak Ikaw ang pinakamagandang (ano?) Babae sa balat ng lupa (say what, say what) Ikaw ang pinakamagandang (ano?) Babae sa buhay ko (oh, yeah, come on, one more time now) Ikaw ang pinakamagandang (ano?) Babae sa balat ng lupa (say what, say what) Ikaw ang pinakamagandang (ano?) Babae sa buhay ko (oh, ano napala n'yo? Oh, eh 'di, wala?)
Lyrics powered by www.musixmatch.com
Get up to 2 months free of Apple Music
instagramSharePathic_arrow_out